Home NATIONWIDE VP Sara nanawagan, climate change labanan!

VP Sara nanawagan, climate change labanan!

MANILA, Philippines – Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga Filipino nitong Miyerkules, Abril 23, na tumulong sa paglaban sa climate change at makibahagi sa mga aktibidad para sa kalikasan.

Sa kanyang Earth Day video message, iginiit ni Duterte na ang mga Filipino ay mayroong malalim na responsibilidad na protektahan ang kapaligiran na mapalad ang Pilipinas sa pagiging mayaman dito.

“This Earth Day, we are reminded that the power to restore and protect our environment lies in our collective action. Guided by the theme ‘Our Power, Our Planet,’ let us commit to fighting climate change, safeguarding biodiversity, and securing a livable future,” ani Duterte.

Hinimok din niya ang mga tao na sumali sa clean-up drives o mag-organisa ng community-led greening efforts na makatutulong sa kalikasan.

“Together, we can build a greener, stronger, and more resilient Philippines,” dagdag ni Duterte.

Ipinunto rin ng Bise Presidente na ang Office of the Vice President (OVP) ay may mga programa na layong makatulong sa global reforestation efforts.

Sa ilalim ng “Pagbabago: A Million Learners and Trees Campaign,” layon ng OVP na makapagtanim ng isang milyong puno sa buong bansa hanggang sa 2028. RNT/JGC