MANILA, Philippines – Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) noong Biyernes na kailangan ng medical prescription at tanging mga licensed health care professionals lamang ang maaring magbigay ng Pfizer bivalent COVID-19 vaccines kapag ito ay available na sa merkado.
Sa unang bahagi ng linggong ito, inihayag ng FDA na nagbigay ito ng certificate of product registration (CPR) para sa bakuna, na may pangalang “Comirnaty Original/Omicron B.A.4-5.”
Sinabi ni Jesusa Joyce Cirunay, FDA Center for Drug Regulation and Research director, na pwede na itong mabili dahil may marketing authorization na ito.
Gayunman, sinabi ni Cirunay na kailangan lamang may RX o medical prescription at lisensyado ang magbabakuna. Siya ay dapat na pharmacist na may sertipiko na magbakuna o ang ating medical professionals.
Sinabi ni Cirunay na ang mga parmasya at mga katulad na pasilidad na nagbebenta ng produkto ay dapat magkaroon ng mga cold chain na makakatugon sa kinakailangan sa pag-iimbak ng bivalent na bakuna.
Sinabi ng FDA na hindi pa nagpapayo ang Pfizer kung kailan magsisimulang ibenta ang mga bakuna sa bansang Pilipinas o ang unit price.
Nagsimula ang gobyerno sa bivalent vaccination program nito noong June 21 gamit ang dosis na donasyon ng Lithuania.Prayoridad ang mga health workers at mga nakatatanda. Jocelyn Tabangcura-Domenden