Home ENTERTAINMENT Liza Araneta, dumalo sa MIFF!

Liza Araneta, dumalo sa MIFF!

Los Angeles, USA – Very supportive ang First Lady, si madam Liza Araneta Marcos sa Manila International Film Festival (MIFF).

Dumating ang asawa ng presidente sa MIFF na ginanap sa Los Angeles, USA.

Suportado ng Unang Ginang ang pagpapalabas ng mga pelikulang Tagalog sa ginanap na MIFF.

Sabi ni FL Liza sa kanyang post: “Participation in the Manila International Film Festival [MIFF]. Thanksgiving dinner in honor of Filipino film industry ta­lents,” banggit pa ni FL.

Kasama sa mga dumating sa nasabing thanksgiving dinner sina Piolo Pascual, Boots Anson-Roa, Roselle Monteverde (Regal Entertainment) at marami pang iba.

May nakapag-tsika pa sa amin na nandu’n din daw si si Alexa Miro, ang sinasabing kasintahan daw ng anak ni FL Liza na si Cong. Sandro Marcos.

Si Alexa ang isa sa mga bida ng pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, na nakuha pa raw magpa-selfie sa Unang Ginang, huh!

Hindi naging exclusive for Metro Manila Film Festival entries ang nasabing event dahil may mga pelikulang ipinalabas na walang koneksyon sa MMFF 2025.

Pero sa totoo lang, ang daming artistang nagsidalo sa MIFF this year kahit sinasabi ng marami na hindi ito organisado. Jimi Escala