Home ENTERTAINMENT Lloydie at Robi, muntik nang magsuntukan?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Lloydie at Robi, muntik nang magsuntukan?January 14, 2026 20:062090 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – No video/picture taking allowed.Ito pala ang mahigpit na ipinatupad sa reception ng kasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.The couple’s exchange of I do’s took place on December 23 last year.Bilin sa mgas celebrity attendees na isilid sa pouch bag ang kanilang cellphones para hindi magkaroon ng mga kuha sa nasabing event.Ito ang pinaksa ng online program nina Ogie Diaz et al.Present sa event hosted by Robi Domingo ang mga malalapit na kaibigan nina Ria at Zanjoe, one of whom was John Lloyd Cruz.Bilang host, tinanong ni Robi ang couple kung ano ang kanilang pakiramdam–si Ria as Mrs. Marudo at si Zanjoe naman bilang Mr. Atayde.At some point daw, lumapit si Lloydie kay Robi at sinitang “off” ang tanong nito kay Zanjoe.Palibhasa may inuman sa event, ipinalagay na lang na baka “lasing” na si JLC, hence his manner of confronting Robi.Malakas daw kasi ang boses ni Lloydie that it got public attention.“May isyu ba tayo?” salag naman daw ni Robi na nakahanda na daw in case undayan siya ni JLC.Cooler heads intervened, tulad ni Donny Pangilinan na sinabihan daw ni Lloydie na huwag makialam.Humupa lang daw ang tensyon after Lloydie and Robi were told na supposedly ay “moment” ‘yon nina Ria at Zanjoe–let nobody spoil it.Napanganga na nga lang daw ang ibang mga bisita doon who included Enchong Dee, Elijah Canlas and even Gary Valenciano.Totoo nga bang may near-fistfight sina JLC at Robi? Ronnie Carrasco III