Home NATIONWIDE Local disaster councils inatasang inspeksyunin mga pangunahing gusali sa W. Visayas

Local disaster councils inatasang inspeksyunin mga pangunahing gusali sa W. Visayas

251
0

ILOILO CITY – Inatasan ang lahat ng local disaster risk reduction and management councils (DRRMCs) sa Western Visayas, kabilang ang mga barangay, na magsagawa ng inspeksyon sa mga gusali at pangunahing imprastraktura matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu na naramdaman sa rehiyon.

Sa Memorandum Order No. 69, ipinag-utos ni Regional DRRMC chair at OCD-Western Visayas director Raul Fernandez ang koordinasyon ng mga ahensya sa mga engineering office at building officials upang matiyak na sistematiko ang inspeksyon alinsunod sa safety standards. Layon nitong tukuyin ang pinsala, alamin ang mga pasilidad na delikado, at magrekomenda ng pagkukumpuni, retrofitting, o demolisyon kung kailangan.

Sa Iloilo City, nagbalik-trabaho na sa city hall matapos ideklarang ligtas ng mga engineer ang main at annex buildings. Binigyang-diin ni Mayor Raisa Treñas na, “The safety of our employees and the public remains our top priority.” Suspendido pa rin ang klase habang iniinspeksyon ang mga paaralan.

Nanawagan si Governor Arthur Defensor Jr. sa mga alkalde na ipasuri ang mga high-rise na gusali at ihinto ang trabaho o klase kung kinakailangan. Sa Iloilo provincial capitol, minarkahan at inirekord ang mga bitak sa gusali, at iginiit ng mga opisyal na kritikal ang unang 24 oras matapos ang lindol dahil maaaring mas malakas pa ang aftershocks. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here