CEBU – Pumanaw ang isang lola mula sa Carcar City, Cebu, matapos ang dalawang linggong pagpapagamot sa ospital dulot ng pananakit ng kanyang manugang.
Dumanas ang biktima ng matinding pagkasunog sa katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay matapos na buhusan ng gas at silaban ng suspek.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong Enero 5, 2025, nang sadyaing sunugin ng suspek ang kanyang biyenang babae sa labas ng kanilang bahay.
Inakusahan ang suspek na nagalit dahil hindi umuwi ang kanyang asawa, kaya’t hinanap niya ito sa bahay ng kanyang biyenan.
Samantala, ilang araw matapos magawa ang krimen, pumanaw din ang suspek dulot ng impeksyon matapos na lumunok ng basag na hawakan ng toilet cleaner brush. RNT