Home METRO Kidnapan sa Tatay, pinabulaanan

Kidnapan sa Tatay, pinabulaanan

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang kumakalat na insidente ng pagdukot sa mga bata sa bayan ng Taytay, Rizal.

Ang pahayag ay kasunod ng isang viral na post online na nagsasabing may nangyaring pagdukot.

Ayon sa mga awtoridad, ang insidente ay nangyari noong 2023 sa Taytay Tiangge, kung saan isang lalake na umano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kumuha sa isang bata.

Agad na iniulat ang insidente, at nahuli ang suspek na nakita sa video. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, pinatawad ng mga magulang ng bata ang suspek at iniatras nila ang kasong dapat sanang isampa.

Nagpaalala ang MPS sa publiko na mag-ingat sa pagbabahagi ng mga hindi kumpirmadong post at hinikayat ang mga magulang na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga anak, pati na rin ang pagkakaroon ng ID ng mga bata na may kasamang contact details sakaling sila’y mawala. RNT