MANILA, Philippines – NAGLAGAY ang Philippine Embassy sa Estados Unidos ng 24/7 hotlines para sa mga filipino na nandoon sa gitna ng implementasyon ni US President Donald Trump na paglansag sa illegal immigrants.
Sa isang Facebook post, sinabi ng Philippine Embassy na ang lahat ng mga filipino sa Estados Unidos ay mayroong karapatan anuman ang kanilang immigration status.
Sinasabing, available ang 24/7 consular hotlines sa mga ‘urgent situation.’
Ayon sa Philippine Embassy, ang consular services ay available sa lahat ng mga pinoy, maging anuman ang status nito
Washington DC
202-368-2767
Agana (Guam)
671-488-4630
Chicago
312-810-3019
Honolulu
808-253-9446
Houston
346-256-4522
Los Angeles
323-528-1528
New York
917-294-0196
San Francisco
415-269-2090
Idinagdag pa ng embahada na ang lahat ng “immigrants at migrant workers” sa Estados Unidos ay mayroong karapatan. Ang mga bisita sa Estados Unidos ay maaari ring i-enjoy ang kahalintulad na constitutional guarantees.
Ayon sa US Supreme Court, “aliens physically present in the United States, regardless of their legal status, are recognized as persons guaranteed due process of law by the Faith and Fourteenth Amendments.
Ang mga inamiyendahan aniya ay may kaugnayan sa “right to due process at against self-incrimination.”
Pinaalalahanan naman ng Philippine Embassy ang lahat ng mga Filipino ng mga sumusunod na karapatan:
Ang mga imigrante ay may karapatan na:
-manatiling tahimik kapag naka-encounter ng law enforcement
-tumangging magbigay ng consent para sa immigration o pulis na ‘kapkapan ang sarili, ang iyong sasakyan o ang iyong tahanan’
-kausapin ang isang abogado bago sagutin ang anumang katanungan
-kontakin ang Philippine Embassy or Consulate General
-tumangging lumagda ng kahit na ano na hindi naiintindihan
Ang mga migrant workers naman ay may karapatan na:
-bayaran ang ‘applicable minimum wage’ para sa lahat ng oras na tinrabaho
-bayaran sa tamang oras
– isang ligtas na work environment
– tratuhin ng walang diskriminasyon o harassment
– bumuo at sumali sa unyon
-kuwestiyunin ang employer’s pay o workplace practices
-maghain ng claim ng walang pagresbak
Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, may 350,000 pinoy ang ilegal na namamalagi sa Estados Unidos.
Nagsimula si Trump ng kanyang second term sa tanggapan na may serye ng anunsyo na naglalayong bawasan ang bilang ng mga migrante na pumapasok sa Estados Unidos.
Nangako si Trump na kagyat na ihihinto ang “all illegal entry” at sisimulan ang proseso ng pagde-deport sa “millions and millions of criminal aliens.”
Sa naging direktiba ni Trump, tanggap ni Romualdez na ang mga undocumented Filipino sa Estados Unidos na mayroong criminal records ay maaaring nasa panganib na ma-deport. Kris Jose