Home METRO Lolo pinatay sa saksak ng killer na inupahan ng P20K

Lolo pinatay sa saksak ng killer na inupahan ng P20K

149
0

MANILA, Philippines – Patay matapos pagsasaksakin ang 68-anyos na lolo ng isang suspek na inupahan umano sa halagang P20,000.

Sa CCTV footage, makikita ang suspek na si Minardo Lialde, na nakasuot ng jacket at helmet, na bumababa ng motorsiklo nito saka naglakad papasok sa eskinita para sundan ang isang lalaki.

Hindi na nakuhanan pa ang mga sumunod na eksena ngunit nakarinig ang mga saksi ng mga sigaw mula sa lolo.

“Ang nakita natin na tama ng saksak ay fatal sa tagiliran at harapan,” ayon kay Pasig Police chief Colonel Celerino Sacro Jr., na tumutukoy sa tama ng saksak na tinamo ng biktimang si Antonio Bantilan.

Nakatakas pa si Lialde ngunit naaresto rin ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation sa Pateros.

“The arrested suspect was able to reveal the mastermind and admitted the commission of the crime,” ani Police Brigadier General Wilson Asueta, director ng Eastern Police District.

Inilantad ng suspek na binayaran siya ng P20,000 para patayin ang biktima, ng isang Ramon Velasco alyas “Ara” na tinukoy niya bilang “mastermind.”

“Alang-alang sa pera, dahil una magba-bagong taon, gusto ko lang maging masaya,” dagdag ni Lialde.

“Pera po [ang motibo] dahil itong may-ari ng property na si victim ay sinanla niya ng P500,000 doon sa mastermind at nung sisingil na ng mastermind ang pera, instead na magbayad ay binigyan siya ng hanggang January 24 para pa alisin itong mastermind,” ayon sa Pasig police.

Itinanggi ni Velasco ang alegasyon, at hindi umano niya kilala ang suspek.

“Wala akong kinalaman sa mga pinagsasabi niya sakin, sa totoo lang hindi ko siya kilala,” ani Velasco.

Sa kabila nito, nakita ng pulisya sa isa pang CCTV footage na nag-uusap sina Velasco at Lialde bago mangyari ang krimen.

“Ito palang biktima tuwing gabi, nagsasara ng water meter. Doon nabuo ang plano na doon nila sasaksakin ang biktima,” ayon sa pulisya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here