Home OPINION  S.B. 1121 NI SEN. POE VS TRANSPORT ACCIDENTS

 S.B. 1121 NI SEN. POE VS TRANSPORT ACCIDENTS

NAPAKALAKING kapakinabangan para sa ekonomiya ng bansa kung agarang maisasabatas ang panukalang Philippine Transportation Safety Board o PTSB Act na nakapaloob sa S.B. 1121 ni Senator Grace Poe.

Bilang isang lisensiyadong safety and health consultant, naniniwala tayo na ito na ang tamang panahon upang magkaroon ng kalinawan sa pagtunton sa totoong dahilan ng mga aksidente na nangyayari sa land, air and sea. Magagawa lamang ito kung may ahensiyang tututok sa mala-siyentipikong pag-iimbestiga na isasagawa ng mga ekspertong accident/incident investigator gamit ang sapat na kagamitan at makabagong teknolohiya.,

Maaaring may ganitong sistema ang ibang ahensiya sa sektor ng transportasyon pero ang tanong dear readers, gaano kaya ka-epektibo ang implementasyon nito?, Kung ang pag-uusapan ay numero, ilang porsiyento kaya ang ibinaba ng mga kaso ng minor accident?

Acceptable kaya o nangangailangan pa ng maraming improvement? Eh, bakit madalas umulit ang major accidents? Na-publish kaya sa publiko ang mga solusyon, recommendation at warning na magiging gabay ng ibang government agencies para sa proteksiyon ng ating mga kababayan?

“Safety Alert” ang katawagan natin dito., Halimbawa nito ay ang masamang epekto ng pagbebenta at paggamit ng mga ‘recalled component’, ‘expired’ o kalbong gulong, mga expired o hindi tested na mechanical at electrical component at equipment na pinalusot sa pagawaan ng barko, eroplano, truck, heavy equipment, kotse at iba pa.

Idagdag pa natin ang mga pekeng permit at lisensiya, lasing sa alak, nakadroga, hibang sa maintenance na gamot, kulang sa tulog at maysakit na piloto, timon, driver, operator, rider at technicians.

Kasama rin ang car floor mat na posibleng umipit sa silinyador ng sasakyan, gayundin ang mga road construction na walang ilaw sa gabi, walang signal man o safety sign, hindi barricaded at syempre pa ang kakulangan sa emergency responses.

Maliban sa minor at major accidents, iimbestigahan din ang high potential unsafe acts, unsafe conditions at near misses. Kung mayroon man tayong hindi nabanggit, hindi iyan makaliligtas sa imbestigasyon at pagsusuri ng independent PTSB investigator.

Hindi  natin hangad ang pagtuligsa sa mga transport regulator at enforcer. Maaari naman kasing kulang sila sa competent na tao at kagamitan upang isagawa ang detalyadong imbestigasyon at pagsusuri sa transport accident/incident. Gayunpaman, bukas  ang ating kolum para sa kanilang ideya at opinyon.

Kaya suportahan natin ang pangkaligtasang panukala ni Sen. Poe sa transport sector. Sasagipin nito ang bawat buhay at sigurado ang karagdagang savings sa bawat pagbibyahe.

Previous articleKRISIS SA TRANSPORTASYON, NAIBABALA NA NOON
Next articleLolo pinatay sa saksak ng killer na inupahan ng P20K