MANILA, Philippines – TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 12019, mas kilala bilang Loss and Damage Fund Board Act.
Ang bagong batas, nilagdaan ng Pangulo, araw ng Miyerkules, Agosto 28 ay nagkakaloob ng ‘juridical personality at legal capacity’ sa Loss and Damage Fund Board, isang global finance mechanism para tulungan ang vulnerable states na dumaranas ng epekto ng climate change.
Isang kopya ng bagong batas ang isinapubliko ng Presidential Communications Office (PCO), araw ng Huwebes.
Sa pagkakapasa ng RA 12019, ang Board, bilang governing body ng Fund, ay dapat na mayroong ‘juridical personality na may full legal capacity to contract, acquire and dispose immovable and movable property, as well as institute legal proceedings.’
Mayroon din itong legal na kakayahan na “negotiate, conclude, and enter into a hosting arrangement” sa World Bank bilang interim trustee at host ng Fund secretariat, at gumawa ng aktibidad kung kinakailangan para sa i-discharge ang papel at mga ginagawa nito.
Kamakailan, napili ang Pilipinas na mag-host ng Board ng Loss and Damage Fund.
Itinatag sa pamamagitan ng desisyon ng Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change at ng Paris Agreement, layon ng Loss and Damage Fund na tulungan ang ‘developing countries’ sa pagtugon sa ‘economic at non-economic loss and damage’ na may kinalaman sa climate change, kabilang na ang ‘extreme weather at slow-onset events.’
Ang Board, bilang isang decision-making body, ay responsable para sa pagtatakda ng ‘strategic direction, operations, at work program’ ng pondo.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagho-host ng susunod na board meeting ay makapagbibigay sa Pilipinas ng “strong voice to access the needed financial assistance for climate-related initiatives and impacts.” Kris Jose