Home METRO Lover na tulak laglag sa buybust

Lover na tulak laglag sa buybust

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang magkasintahan makaraang maaresto sa isinagawang buybust operation sa Brgy Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Arapat, nasa hustong gulang, isa sa High Value Target ng pulisya, at alyas Quennie, nasa listahan ng Street Level Drug na kasama rin sa drugs watchlist at kapwa residente sa nasabing lugar.

Batay sa ipinadalang report mula sa tanggapan ni PCol Dwight Alegre, isang buybust operation ang ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit, PDEU at Dasmarinas PNP laban sa mga suspek.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:20 ng hapon nang isagawa operasyon sa naturang lugar na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga ito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na aabot sa mahigit 125 gramo at nagkakahalaga ng P850,000.00.

Narekober din sa pag-iingat ng mga suspek ang buybust money at cellphone na ginamit sa nasabing transaksyon. MARGIE BAUTISTA