Home ENTERTAINMENT Bossing, wala nang balak sundan si Mochi, , ‘isinara’ na ang factory!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bossing, wala nang balak sundan si Mochi, , ‘isinara’ na ang factory!May 1, 2025 16:09 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nu’ng April 28 ay nag-celebrate ng birthday si Bossing Vic Sotto at nagkaroon na rin ng pagdiriwang sa Eat Bulaga.Also, mukhang inilalaan na rin ng TV host-comedian-film producer ang espesyal na araw na ‘yon para sa kanyang pamilya.Ipinagpapasalamat ni Bossing na malakas pa raw siya at wala ni anumang iniindang sakit.Perfect choice nga siya bilang endorser ng isang uri ng gamot recommended para sa mga tulad niyang nagkakaedad yet are still energetic.Dahil physically able pa rin, may balak ba si Bossing na sundan si Baby Mochi?Si Baby Mochi ang pangalawang anak ni Vic sa asawang si Pauleen Luna na sumunod kay Tali.Sagot ng TV host sa mga reporter ay wala na raw, saka nagbitaw ng punchline na ikinatawa ng lahat: “Sarado na ang factory!”Base sa pattern, maximum of 2 and minimum of 1 ang “batting average” ni Bossing when it comes to siring his kids.Dalawa ang anak niya kay Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo Boy.He only has one with Coney Reyes, si Pasig City Mayor Vico.With Pauleen ay dalawa rin.Samantala, nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment press sa EB na makita upclose and personal si Baby Mochi na dinala niPauleen sa studio complete with earmuffs.Ayon sa mga ito, para raw mamon ang mga pisngi ni Baby Mochi na masarap panggigilan. Ronnie Carrasco III