Home ENTERTAINMENT Kampo ni Kyline, binarag si Jackie!

Kampo ni Kyline, binarag si Jackie!

Manila, Philippines- Jackie Forster’s word against Kyline Alcantara’s camp.

Paigting na nang paigting ang kontrobersya sa pagitan ng kumpirmado nang hiwalay na magkasintahang sina Kyline at Kobe Paras.

Nitong April 27 ay in-upload ng ina ni Kobe na si Jackie ang kanyang 15-minute video statement.

Among others, itinanggi niya ang mga paratang ng pagtataksil ng anak.

Inisyu niya rin ang umano’y pagiging bayolente at abusive ni Kyline–dahilan para hindi na kayanin pa ni Kobe sa anito’y toxic na relasyon nila.

Kinabukasan, April 28, torno naman ng kampo ni Kyline ang nagsalita.

Ito’y sa pamamagitan ng sunod-sunod na Instagram Stories ng nobya ng kuya ng Kapuso actress na si Robin.

Nakilala siya bilang si Zamantha Rose, na tulad ni Kobe ay kasama ring nag-i-stay sa condo unit ni Kyline.

Nasaksihan daw ni Zamantha ang mga ganap o goings-on ng magkasintahan.

Bagama’t hindi diretsahang binarag ni Zamantha si Jackie ay in-upload naman nito ang screenshot ng kanyang video narrative.

Buong paggalang din niyang sinagot ang mga paratang ni Jackie.

Among others, pinalagan ni Zamantha ang akusasyon ni Jackie calling Kyline “manipulative and abusive.”

Wala raw katotohanan ito.

Samantala, araw ng Linggo nang i-upload ni Jackie sa YouTube channel ang kanyang 15-minute video statement.

Natapat ang araw na ‘yon sa airing ng All Out Sunday kung saan mainstay si Kyline.

Balitang iniyakan daw ni Kyline ang mga pahayag ng ina ng dating nobyo.

From the looks of it, sa kabila ng pagsasalita ng parehong kampo, hangga’t tikom ang bibig ng mga pangunahing bida sa kuwentong sina Kyline at Kobe, the issue is far from over. Ronnie Carrasco IIi