Home NATIONWIDE Pamilya ng ilang biktima ng Vancouver car attack gusto nang umuwi –...

Pamilya ng ilang biktima ng Vancouver car attack gusto nang umuwi – consul general

MANILA, Philippines – Humihiling na mapauwi na sa bansa ang mga pamilya ng ilan sa mga biktima ng Vancouver car ramming attack.

“Now that information [is] seeping through to the families, some of them have reached out to us, and, in fact, some of them requested repatriation,” sinabi ni Gina Jamoralin, Philippine consul general sa Vancouver, Canada, sa panayam ng ANC.

Dagdag pa ni Jamoralin, maaari ring mapauwi ang labi ng mga biktima.

Matatandaan na 11 ang nasawi sa nangyaring car attack sa isang pagdiriwang ng Filipino community sa Vancouver. RNT/JGC