Home NATIONWIDE Highest ridership mula COVID pandemic, naitala ng MRT

Highest ridership mula COVID pandemic, naitala ng MRT

MANILA, Philippines – Naitala nitong Miyerkules, Abril 30, ang pinakamataas na ridership ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) mula noong COVID-19 pandemic.

Sa pahayag, sinabi ng Department of Transportation na nakapagsakay ang MRT ng
481,156 pasahero, araw ng Miyerkules.

Mas mataas ito sa dating post-pandemic high na 459,936 noong Disyembre 20, 2024.

Nag-alok ang pamahalaan ng libreng sakay sa MRT mula Abril 30 hanggang Mayo 3.

Sinabi ng DOTR na ang ridership numbers ay nagpapakita ng pagbuti ng kakayahan ng MRT na makapagsakay ng mataas na bugso ng mga pasahero. RNT/JGC