Home NATIONWIDE Seismic activity sa Bulkang Taal patuloy na tumataas

Seismic activity sa Bulkang Taal patuloy na tumataas

May 15, 2024; Boston, Massachusetts, USA; Cleveland Cavaliers forward Marcus Morris Sr. (24) shoots against Boston Celtics guard Derrick White (9) in the second quarter during game five of the second round for the 2024 NBA playoffs at TD Garden. Mandatory Credit: David Butler II-USA TODAY Sports

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Mayo 1, ang patuloy na pagtaas ng seismic activity sa Bulkang Taal.

Sa bulletin, sinabi ng PHIVOLCS na naitala ang 64 volcanic earthquakes sa bulkan, na sinabayan ng limang volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto sa nakalipas na 24 oras.

Noong Abril 29, naitala ng ahensya ang 53 volcanic earthquakes at 13 tremor episodes. Noong Abril 27 naman ay mayroong 37 earthquakes at walong tremors.

Samantala, noong Abril 26 ay nairehistro ang 56 quakes at 14 tremors sa Bulkang Taal, habang sa pagitan ng Abril 8 at 26, ay mayroong 126 volcanic earthquakes at 34 tremor episodes sa bulkan.

Batay sa datos ay indikasyon ito ng nagpapatuloy na magmatic activity sa ilalim o malapit sa bulkan.

Sa huling update, naitala rin ng PHIVOLCS ang pagbuga ng 1,213 metric tons ng sulfur dioxide (SO₂) mula sa main crater ng Taal, mas mataas kumpara sa 672 metric tons na naitala sa nakalipas na araw.

Wala namang upwelling ng hot volcanic fluids sa Main Crater Lake, at wala ring volcanic smog.

Nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC