Home NATIONWIDE P1.5M shabu nasabat sa HVI sa Quezon

P1.5M shabu nasabat sa HVI sa Quezon

0
P1.5M shabu nasabat sa HVI sa Quezon

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P1.5 milyong halaga ng shabu mula sa isang big-time na tulak sa buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.

Sa report nitong Huwebes, Mayo 1, sinabi ng Quezon police na naaresto ng mga miyembro ng provincial drug enforcement unit, ang suspek na kinilalang si “Mac-Mac”, 47, matapos na pagbentahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang undercover police sa Barangay Dalahican bandang 6:40 ng gabi.

Nakuha sa suspek ang isang plastic sachet at tatlong sealed plastic bags na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 78 gramo.

Sa street value na P20,400 kada gramo ay tinatayang aabot sa P1,591,200 ang halaga ng mga nakumpiskang shabu.

Si Mac-Mac ay tinukoy na “high-value individual” (HVI) ng pulisya sa illegal drug trade.

Patuloy ang imbestigasyon ng Quezon police upang matukoy ang source ng illegal na droga.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here