Home ENTERTAINMENT Lovi, emosyunal na nagpaalam sa BQ!

Lovi, emosyunal na nagpaalam sa BQ!

Manila, Philippines- May post sa X (dating Twitter) tungkol sa pagpapaalam ni Mokang, ang karakter ni Lovi Poe sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Batang Quiapo.
Sa simula ng serye, sinubaybayan ng mga netizens si Lovi bilang si Mokang, ang babaeng minamahal ng bidang si Tanggol (Coco Martin).

Pinatay si Lovi sa Batang Quiapo sa episode nitong Thursday, January 4, 2023, nang saluhin niya ang bala ng baril na dapat ay tatama kay Tanggol.

Si Olga (played by Irma Adlawan) ay nagpaputok ng baril target si Tanggol subalit nakita ito ni Mokang at sinalo niya ang bala para iligtas si Coco bilang si Tanggol, at naganap ito sa madugong barilan sa railway, Tutuban depot.

Marami sa mga tagasubaybay ng serye ang nalungkot at nagulat sa sinapit ng karakter ni Lovi.

Hindi naman napigilang maging emosyunal ni Lovi na magbalik-tanaw at magpasalamat sa makulay na karakter niya sa Batang Quiapo.

Sa kanyang Instagram post, isa-isang pinasalamatan ni Lovi ang mga taong nakasama’t nakatrabaho niya sa serye.

Karangalan daw niyang mapasama sa Batang Quiapo lalo na’t legasiya ito ng kanyang namayapang ama na si “Da King” Fernando Poe Jr.

“I am truly blessed to have been part of a project that represents my father’s name.

“It was a first and it will always mean the world to me. My deepest appreciation to Sir Deo, Tita Cory and ABS-CBN for this opportunity.

“You have given me a missing piece to my puzzle. For that, I will always be grateful.

“A big part of my 2023 was breathing life into a character I have grown to love — what a privilege it was to play Mokang.

“She was a fighter and she taught me how it is to truly be free. It really was a tough decision for me to make but I have decided to turn the page.”

Sabi pa niya, namaalam man siya sa serye ay mananatiling espesyal sa puso niya ang Batang Quiapo, maging ang mga crew sa likod nito.

Pahayag ng aktres, “To my Batang Quiapo team, the depth of your creativity and imagination knows no bounds and I know you will continue to soar high.

“I will always be cheering for all of you from afar. Mami-miss ko kayo ng malala.”

Pinasalamatan din ni Lovi ang director-actor na si Coco sa pagpapatuloy ng legasiya ni FPJ.

“To my dearest tagapagTANGGOL, maybe in another life?
“Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo.

“Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep.”

Nagpaalam si Lovi nang maayos sa kanyang mga directors at sa mga Kapamilya executives para sa isang mahalagang bagay na kanyang haharapin. Ador Saluta

Previous articleHouse probe sa Panay power outage itinakda sa Enero 11
Next articleDavao-Manado flight planong ibalik