Home ENTERTAINMENT Lovi, ginulantang ang netizen sa pagbubuntis!

Lovi, ginulantang ang netizen sa pagbubuntis!

273
0

Manila, Philippines – Pitong buwan nang buntis ang aktres na si Lovi Poe, huh!

Marami ang nagulat dahil nagawang itago ni Lovi ang pagbubuntis lalo at very visible naman siya sa mga showbiz affairs.

Kamakailan ay isa si Lovi sa rumampa sa Bench Body of Works fashion show at wala man lang nakahalatang nagdadalang tao na ang aktres, huh!

Sa totoo lang naman hindi malaki si Lovi kaya marahil ay puwedeng maliit lang talaga siyang magbuntis, huh!

Ayon pa sa malalapit kay Lovi ay kasalukuyang tinatapos ng aktres ang shooting ng pelikulang pino-produce ng film production niyang C’est Lovi.

Ito ‘yung The Sacrifice na sinulat ni Jerrold Tarog at dinirek ni Prime Cruz.

Sa Quezon province daw sila nagsu-shoot at banggit pa ng kausap maming malapit kay Lovi ay napapansin daw ng ilang production staff na ang saya-saya ng aktres na kumakanta pa raw at nagsasayaw sa ilog kung saan sila nagso shoot, huh!

Kahit nga raw may mga problema sa production, still ay very happy pa raw ang mood ng aktres, huh! Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here