Home METRO LPA binabantayan sa silangang Mindanao

LPA binabantayan sa silangang Mindanao

MANILA, Philippiens – Nabuo bilang low-pressure area (LPA) ang isang pulo ng ulap na nakita sa silangang Mindanao, sinabi ng state weather bureau PAGASA nitong Lunes.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na mababa ang tsansa ng LPA na maging tropical cyclone ngunit maaaring ulanin lang ang ilang bahagi ng Mindanao.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ay maaring maranasan ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Agusan del Norte.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaaring makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms.

Samantala, sinabi ng PAGASA na mahina hanggang sa katamtamang hangin at mahina hanggang sa katamtamang kondisyon ng tubig sa baybayin ang maaring iibabaw sa mga seaboard ng bansa. RNT