Home NATIONWIDE LPA magpapaulan sa N. Palawan, OcciMin

LPA magpapaulan sa N. Palawan, OcciMin

161
0

MANILA, Philippines- Magdudulot ang Low Pressure Area (LPA) ng maulap na kalangitan at kalat na malawakang pag-ulan sa  Northern Palawan at Occidental Mindoro na maaaring magresulta sa pagbaha at landslides sakalaing magkaroon ng heavy to intense rains ngayong Biyernes, base sa PAGASA.

Hanggang alas-3 ng madaling araw, ang LPA ay tinatayang 135 kilometers west southwest ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Samantala, isa pang LPA ang inaasahan, 880 klimoters silangan ng Eastern Visayas.

Nagbabadya sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Western Visayas, at natitirang bahagi ng MIMAROPA ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA na may posibleng flash floods o landslidesd kapag nagkaroon ng moderate to heavy rains.

Inaasahan naman sa Mindanao at natitirang bahagi ng Visayas ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa southwest monsoon na may posibleng flash floods o landslides kapag nagkaroon ng moderate to at times heavy rains.

Makararanas ang Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms na may nakaambang flash floods o landslides tuwing severe thunderstorms.

Iiral sa western section ng Southern Luzon ang moderate to strong wind speed patungong southwest to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong southwest to southeast habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-5:36 ng umaga at lulubog ng alas-6:29 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here