Home NATIONWIDE LPA na mataas tsansa maging bagyo, binabantayan ng PAGASA

LPA na mataas tsansa maging bagyo, binabantayan ng PAGASA

146
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng PAGASA na may binabantayan itong low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may “high” chance na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Batay sa inilabas na 2 a.m. tropical cyclone outlook ng state weather bureau, namataan ang LPA sa layong 3,095 kilometro silangan ng Northern Mindanao.

Samantala, sinabi ng PAGASA na makararanas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o thunderstorms bunsod ng localized thunderstorms.

Nagbabala rin ang ahensya na maaaring magdulot ng posibleng flash floods o landslides ang matitinding thunderstorms. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here