Home HOME BANNER STORY LPG, bababa ng P5/kilo

LPG, bababa ng P5/kilo

64
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magkakaroon ng ginhawa ang mga kabahayan ngayong buwan matapos magpatupad ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon sa abiso ng Petron, magpapatupad ito ng ₱5.00 kada kilo na bawas sa lahat ng Petron Gasul at Fiesta Gas household cylinders simula Hunyo 2, 2026.

Nag-anunsyo rin ang Solane na babawasan din nito ng ₱5.00 kada kilo ang presyo ng 11-kilogram LPG tank, na epektibo naman sa Hunyo 4, 2026, alas-6 ng umaga.

Sa kalkulasyon, katumbas ito ng humigit-kumulang ₱55 na bawas sa presyo ng karaniwang 11-kilogram LPG cylinder.

Noong nakaraang buwan, tumaas naman ang presyo ng LPG ng ₱1.22 kada kilo o humigit-kumulang ₱13.42 kada 11-kilogram tank.

Ayon sa Department of Energy (Department of Energy), ang presyo ng 11-kilo LPG ay nasa tinatayang ₱1,070.42 hanggang ₱1,701.77 noong Mayo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here