Home NATIONWIDE Imbestigasyon ng DOJ sa Senate shooting, independent – spox

Imbestigasyon ng DOJ sa Senate shooting, independent – spox

35
0

MANILA, Philippines – Independent sa iba pang imbestigasyon ang ginagawang pag-imbestiga ng Department of Justice (DOJ) sa mga nangyari sa Senado mula Mayo 11 hanggang Mayo 13, kabilang ang insidente ng pamamaril, ayon kay Justice spokesperson Polo Martinez nitong Miyerkules.

Ayon kay Martinez, nanatiling bukas ang panel sa pagtanggap ng anumang ebidensya  na makatutulong sa kanilang imbestigasyon.

Pero aniya ang kanilang mga natuklasan ay ibabatay sa kanilang sariling independent assessment ng mga ebidensyang isinumite sa kanila at nakalap sa proseso ng kanilang imbestigasyon.

Ginawa ni Martinez ang pahayag nang tanungin kung paano makakaapekto sa imbestigasyon ng DOJ ang paghahain ng  Tindig Pilipinas ng reklamong obstruction of justice laban kina Senate President Alan Peter Cayetano, Senator Robin Padilla at suspended acting Senate Sergeant-at-Arms na si Mao Aplasca.

Matatandaan na nangyari ang pamamaril sa Senado noong May 13 ng gabi  matapos tangkang arestuhin si Senator Bato Dela Rosa.

Noong Mayo 15, humingi ang DOJ ng kopya ng CCTV footage at iba pang dokumento mula sa Senado kaugnay ng kanilang imbestigasyon. 

Naglabas  rin ang DOJ ng subpoena sa Office of the Senate Secretary para sa paglalabas ng mga dokumento kaugnay ng kanilang imbestigasyon, kabilang ang oath of office ni Aplasca.

Sinabi rin ni Justice Secretary Fredderick Vida na humingi rin sila ng inventory ng mga baril na nasa pag-aari at magagamit ng Senado at ng kaukulang mga dokumento ng pagpapalabas ng mga ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here