Home METRO LPG may higit P2/kg bagsak-presyo

LPG may higit P2/kg bagsak-presyo

287
0

MANILA, Philippines – Ibinaba ng mga retailers ng gasolina nitong Biyernes ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ng mahigit P2 kada kilo.

Sa isang advisory, sinabi ng Petron na ibinaba nito ang presyo ng kanilang household LPG ng P2.50 kada kilo, simula 12:01 ng umaga ng Agosto 1, 2025.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of August,” sabi ng Petron.

Inihayag din ng Solane na ibinalik nito ang presyo ng kanilang produktong LPG ng P2.45 kada kilo, epektibo alas-8 ng umaga ng Biyernes.

Noong nakaraang buwan, binawasan ng mga retailer ng LPG ang presyo ng mga tangke ng LPG nito ng P1 kada kilo.

Nitong Hulyo, ang domestic price ng isang tipikal na 11-kilogram na LPG cylinder ay nasa P819 hanggang P1,099. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here