Home HOME BANNER STORY LTO chief inakusahan ng korapsyon; alegasyon tinatalupan ng DOTr

LTO chief inakusahan ng korapsyon; alegasyon tinatalupan ng DOTr

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Department of Transportation (DOTr) ang corruption allegations ng transport at civilian groups laban kay Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II.

Inihayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista nitong Martes na isinagawa ang mga alegasyon sa pamamagitan ng open letters mula sa Federated Land Transport Organizations of the Philippines (FELTOP) at sa Coalition for Good Governance, among others.

“The allegations about [Mendoza] — betrayal of public trust, grave abuse of authority, loss of trust and confidence, acts prejudicial to the public, reputational risk against the Philippine government, and corruption, among others — are all serious accusations that demand in-depth investigation and equally serious affirmative action,” wika ni Bautista.

Inatasan niya si Mendoza na magpaliwanag at magkomento sa mga alegasyon “for our proper disposition and appropriate recommendation to the President, if necessary.”

“Rest assured, we always consider the public’s best interest and the government’s welfare as primordial considerations in resolving these kinds of matters,” giit niya.

Nauna nang naglathala ng mga pinuno ng FELTOP, Konsumo Pinas, Magtulungan Tayo, Philippine Transport Monitor, Samahan ng Kabataan Para sa Makabuluhang Pagbabago, at Kamalaya Consumer Cooperative ng open letters sa mga pahayagan, na humihiling kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa German government na imbestigahan ang kanilang alegasyon laban kay Mendoza.

Tungkol ang mga akusasyon sa “continued charging” ng computer fees ng LTO offices na nasa ilalim pa ng lumang LTO IT System habang ang mga gumagamit ng Land Transportation Management System ay kinalos na ang bayad.

Nobyembre noong nakaraang taon nang maghain ang FELTOP ng dalawang hiwalay na kaso laban kay Mendoza sa parehong isyu sa Office of the Ombudsman.

Ani Mendoza, ang dalawang kaso ay magandang oportunidad upang patunayan na ang mga alegasyon ay “totally baseless and absurd.” RNT/SA

Previous articleSwiss foreign minister bibisita sa Pinas sa Peb. 8
Next articleWater level sa Luzon dams mababa – PAGASA