Home NATIONWIDE LTO registration validity, inihihirit na mas pahabain pa

LTO registration validity, inihihirit na mas pahabain pa

MANILA, Philippines – Humihirit ang isang mambabatas na palawigin ang validity ng motor vehicle registration, kabilang ang sa mga motorsiklo.

Inihain ni Cagayan de Oro 1st District Rep. Lordan Suan ang House Bill 8438 o proposed “Extended Motor Vehicle Registration Act” na aamyenda sa bahagi ng Land Transportation and Traffic Code Act.

Sa ilalim ng panukala, pahahabain ang validity ng certificate of registration ng limang taon para sa brand-new motor vehicles at tatlong taon para sa brand-new motorcycles.

Ang mga motorsiklo na edad tatlo hanggang pitong taon na may renewal validity na dalawang taon at ang edad walong taon at pataas ay may validity na isang taon lamang.

“Extending the validity of motor vehicle registrations will help lessen financial and psychological distress to our motor vehicle owners and drivers,” ani Suan sa kanyang explanatory note.

Sinabi ni Suan na maliban sa matitipid mula sa mga bayarin, mas mapagagaan din nito ang administrative burden sa taunang renewal na talagang stressful at time-consuming umano.

Pending pa sa House Committee on Transportation ang naturang panukala. RNT/JGC

Previous articleBI nagbabala vs pekeng OEC
Next articleHalos 1K piraso ng corals, nasabat sa Laguna!