Home METRO Halos 1K piraso ng corals, nasabat sa Laguna!

Halos 1K piraso ng corals, nasabat sa Laguna!

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) – Environmental Crime Division (ENCD) ang nasa 999 piraso ng iba’t ibang uri ng coral species at coral fragments sa Binan, Laguna.

Sa operasyong ito, naaresto ang mga tagapangalaga nito na sina Diomedes Velasco, Judith Velasco at Jamille Velasco.

Nag-ugat ang operasyon sa ulat na natanggap ng NBI kung saan isinumbong ang mag-asawang kinilalang sina Jairo Velasco at Richelle Velasco na nangangalaga umano ng maraming uri ng corals sa kanilang tahanan sa Brgy. San Antonio, Binan, Laguna at ibinibenta sa Facebook nang walang kaukulang permit.

Bilang tugon ay nagkasa ng serye ng surveillance operation ang NBI-ENCD at nakumpirmang may iba’t ibang uri nga ng species ng corals sa naturang tirahan.

Dahil dito ay nag-apply ng search warrant ang mga operatiba laban sa mag-asawa.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang sangkot para sampahan ng kasong paglabag sa Section 96, o Ban on Coral Exploitation and Exportation ng R.A. 8550. RNT/JGC

Previous articleLTO registration validity, inihihirit na mas pahabain pa
Next articleNuggets wagi kontra Heat  sa Game 1 ng NBA Finals