Home NATIONWIDE Lugar ng pagsabog ng LPG sa Cavite na ikinasawi ng 2 katao,...

Lugar ng pagsabog ng LPG sa Cavite na ikinasawi ng 2 katao, ‘di isang refilling station

113
0

MANILA, Philippines – Hindi isang refilling station ang lugar kung saan naganap ang malagim na pagsabog ng LPG na ikinasawi ng dalawang indibidwal sa Dasmariñas, Cavite.

“As per owner po, ito po ay hindi LPG refilling station. Ang kanila pong ginagawa, sila po ay nagka-conduct ng servicing and maintenance ng mga LPG cylinder tank. Dito po nila ginagawa, nire-repaint yung mga cylinder tank,” pahayag ni SF01 Ephraim Laureles, hepe ng intelligence and investigation unit ng BFP-Dasmariñas, Cavite nitong Biyernes, Abril 17.

Iniimbestigahan na ng BFP kung ang LPG servicing site ay mayroong kaukulang permit, sanhi ng pagsabog at kung mayroong kapabayaan sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here