Home NATIONWIDE Iloilo-Puerto Princesa flight nakansela sa bomb joke

Iloilo-Puerto Princesa flight nakansela sa bomb joke

142
0

MANILA, Philippines – Dahil sa bomb joke ay nakansela ang flight ng Cebu Pacific patungong Puerto Princesa City nitong Biyernes ng gabi, Abril 17.

Nagbiro kasi tungkol sa bomba ang isa sa mga pasahero nito sa Iloilo International Airport.

Sa naunang abiso, sinabi ng airport officials na na-delay ang Flight 5J-4805 matapos na magbiro tungkol sa bomba ang isa sa mga sakay na pasahero.

Ligtas na nakababa ang lahat ng mga pasahero at pinabalik sa terminal habang siniguro ng mga awtoridad na ligtas ang eroplano sa pamamagitan ng inspeksyon.

Wala namang nakuhang pampasabog o mapanganib na kagamitan.

Pinagbawalan namang makasakay sa flight ang sangkot na pasahero.

Samantala, dahil sa pangyayari ay inanunsyo ng Iloilo International Airport na ang Flight 5J4805 (Iloilo to Puerto Princesa) at pabalik nitong 5J4806 (Puerto Princesa to Iloilo) ay kanselado na.

Ang kanselasyon ay dahil sa kinakailangang oras para sa security screening dahilan para malampasan ng eroplano ang allowable landing window bago magsara ang runway sa Puerto Princesa Airport. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here