Home ENTERTAINMENT Luis at Jessy, tinipid ang pagpalabas ng wedding pics; Fans, nabitin!

Luis at Jessy, tinipid ang pagpalabas ng wedding pics; Fans, nabitin!

Manila, Philippines – Understandable kung bakit tinitipid nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang mga fans sa mangilan-ngilang photos ng kanilang kasal.

The couple first tied the knot in 2021.

Nitong February 15, habang nagre-renew ng vows sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Balesin island, ikinakasal namang muli sina Luis at Jessy sa Coron, Palawan.

Sa paglalarawan ni Jessy, ‘yun daw ang kanyang dream wedding.

Matatandaang wala ang partido ni Jessy when she married Luis in Lipa, Batangas.

Sa kanilang Coron wedding, in full force na ang mga ito.

Sa side naman ni Luis, in attendance–of course–were Luis’ parents Edu Manzano and Vilma Santos-Recto.

Siyempre, hindi rin mawawala ang hubby ni Ate Vi na si Ralph Recto who had to fix his sked.

‘Yun nga lang, hanggang ngayon ay “pasabik” ang mag-asawa dahil kokonti o mabibilang pa rin ang mga wedding photos that made the rounds of social media.

But lest we forget, the couple is also into vlogging.

Kaya lang, until now ay nabibitin ang fans sa pics ng kanilang special moment.

As expected, nang-agaw-eksena ang little bride na si Baby Peanut. Ronnie Carrasco III