Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, mga pag-ulan asahan sa easterlies

Maulap na kalangitan, mga pag-ulan asahan sa easterlies

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang easterlies sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, asahan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm sa bansa.

Binalaan naman ang publiko sa mga banta ng pagbaha at landslide sa oras ng severe thunderstorms. RNT/JGC