Home OPINION LUMALAKI BUTAS NG ILONG SA GALIT

LUMALAKI BUTAS NG ILONG SA GALIT

126
0

GIGIL na gigil si Bicol Saro. Rep. Terry Ridon sa kampo ni Vice President Sara Duterte dahil sa hindi pagdalo sa kanilang zarzuela o mini-trial na ginagawa sa kasong Impeachment laban sa Pangalawang Pangulo.

Sa gigil n’ya, lalong lumalaki ang butas ng kanyang ilong.

Hik, hik, hik!

****

Ang akala mo ay mahusay na abogado itong si Ridon kung makapaghamon ng pagtutuos sa mga abogado ng bise-presidente.

Kumpara sa kanya, mas may alam sa batas ang mga abogado ng pangalawang pangulo. Baka kainin siya nang buhay ng mga ‘yan pagdating sa mismong trial sa Senado.

****

Alam naman ng madla kung saan siya humuhugot ng matinding galit kay VP Sara.

Sinibak lang naman siya noon ni dating Pangulong Digong bilang pinuno ng PCUP (Presidential Commission for the Urban Poor) dahil panay ang lamyerda niya sa abroad habang ang trabaho niya ay pinababayaan.

****

Maswerte’t nakabalik pa siya sa Kongreso bilang kinatawan nga ng Bicol Saro.

At lalo siyang sinuwerte dahil ayon sa 18 Marines, isa siya sa nahatiran ng mga ito ng male-maletang pera na ninakaw ng mga buwaya mula sa pondo ng flood control projects.

Kaya nga ang lahat ay ginagawa niya, mapatalsik lang si VP Sara sa poder, sa pamamagitan ng Impeachment. Halata naman, hindi ba?

Sabi nga, baka may “pa-bonus” ang mastermind ng mga “buwaya” kung magtatagumpay sila sa Kamara. He! He! He!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here