MANILA, Philippines – Idineklara ng Malakanyang ang half-day work sa mga tanggapan ng gobyerno, sa araw ng Lunes, Setyembre 22.
Layon nito na pahintulutan ang mga empleyado ng gobyerno na magpartisipa sa taunang pagdiriwang ng 33rd Family Week at ng “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng Executive branch ay suspendido simula ala-1 ng hapon sa nasabing petsa, ayon sa Memorandum Circular (MC) 96, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, araw ng Biyernes.
Gayunman, ang mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa ‘basic at health services, disaster preparedness at response, o iba pang mahalagang tungkulin ay magpapatuloy sa operasyon at magbibigay ng kinakailangang serbisyo.
“This Office also encourages all government workers in the Executive branch to fully support the programs and activities relative to the observance of Family Week, as organized by the National Committee on the Filipino Family,” ang nakasaad sa MC 96.
Ang suspensyon sa trabaho sa ibang sangay ng pamahalaan, independent commissions o bodies, at private sector ay hinihikayat na “to afford all Filipino families the full opportunity to celebrate the 33rd National Family Week.”
Ang MC 96, kopya na naka-post sa official website ng Presidential Communications Office, Biyernes ng gabi, ay kagyat na magiging epektibo.
Ang bansa ay magdiriwang ng taunang National Family Week sa huling linggo ng Setyembre, alinsunod sa Proclamation 60 na ipinalabas noong 1992, idinedeklara ang panahon na ito na ipagdiwang at palakasin ang pamilyang filipino.
“Complementing the week-long celebration is the Kainang Pamilya Mahalaga Day, observed every fourth Monday of September, as declared by Proclamation 326 issued in 2012,” ayon sa MC.
Binibigyang diin naman ng Kainang Pamilya Mahalaga Day ang kahalagahan ng pamilya na “sharing meals together, reinforcing the Filipino tradition of mealtime” bilang pangunahing oporrunidad para sa koneksyon at komunikasyon.
Ang week-long commemoration ay naglalayon na i-promote ang pagkakaisa, pagiging matatag ng pamilya ng filipino, kilalanin bilang fundamental unit ng lipunan.
Pangungunahan ng National Committee on the Filipino Family ang nasabing national observance, may mandato ito na pagtibayin at i-promote ang pamilya bilang cornerstone ng ‘development at well-being’ ng bansa.
Binibigyang diin ng pagdiriwang ang mahalagang papel ng pamilyang filipino sa nation-building, lalo na sa paghubog ng moralidad at pangalagaan ang mga susunod na henerasyon. (KRIS JOSE)







