Home METRO NCRPO naka full alert sa anti-corrupt rally

NCRPO naka full alert sa anti-corrupt rally

249
0

MANILA, Philippines – Naka-full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) simula ngayong araw September 20 para matiyak ang pagsasagawa ng anti-corruption protest rally bukas Septemeber 21, sinabi ng Philippine national Police (PNP) noong Biyernes.

Sinabi ng PNP na ang hakbang na ito ay batay sa tagublin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa PNP, mahigit 50,000 police personnel sa buong bansa ang kanilang ipapakalat na may mahigpit na koordiansyong isinasagawa sa Armed Forces of the Philippine at iba pang ahensya ng gobyerno upang magarantiya ang mabilis na pagtugon at pinag-isang operasyong panseguridad.

Sa ilalim ng full alert, sinabi ng PNP na mas maraming pulis ang makukuha dahil hindi papayagan ang pagliban o pag-alis sa mga tauhan ng pulisya. Ganap ding ipapakalat ang NCRPO.

Ang lahat ng Police Regional Offices at ang Reactionary Standby Support Force (RSSF), sa kabilang banda, ay nasa mas mataas na kahandaan para sa mabilis na deployment.

Sinabi ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. “ito ay isang proactive na hakbang upang pangalagaan ang karapatan sa mapayapang pagpupulong habang pinipigilan ang anumang pagtatangka na guluhin ang kaayusan ng publiko.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here