Home METRO Luzon uulanin sa 2 weather system

Luzon uulanin sa 2 weather system

234
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap na kalangitan at pag-ulan sa maraming bahagi ng Pilipinas ngayong Biyernes dahil sa Southwesterly Windflow at Frontal System, ayon sa PAGASA.

Apektado ng Southwesterly Windflow ang Ilocos Region, Cordillera, at Central Luzon, na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Sa Cagayan Valley naman, magdadala ng katulad na lagay ng panahon ang Frontal System.

Maaaring makaranas ng mga panaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA. Ang nalalabing bahagi ng bansa ay posible ring makaranas ng localized thunderstorms.

Katamtamang lakas ng hangin at alon ang inaasahan sa hilaga at silangang bahagi ng Hilagang Luzon, habang banayad hanggang katamtaman ang kondisyon ng dagat sa iba pang lugar sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here