Home OPINION IMPEACHMENT MATUTULOY KAYA?

IMPEACHMENT MATUTULOY KAYA?

280
0

MATUTULOY kaya ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte?
Tinatanong natin ito, mga Bro, dahil sa paglabas ng mga opinyon na posibleng hindi matuloy ito dahil sa mga ligal na isyu.
Sa ngayon, pangunahing naglabas ng kani-kanilang pagdududa na matuloy ito sina Atty. Salvador Panelo at nagbabalik-Senado na si Tito Sotto III.

Noong una, hindi gaanong kinagat ng iba ang pagdududa ni Panelo ngunit ngayong inayunan ito ni Sotto, posibleng mag-iisip-isip na rin ang iba.

IKA-19, 20 KONGRESO

Diretsahang sinabi ni Panelo may ligal na batayan para hindi matuloy ang impeachment.

Pangunahin ang hindi pagkakarugtong ng nakaraang ika-19 na Kongreso at ika-20 Kongreso.

“The 19th Congress is not a continuation of the 20th Congress,” mariin niyang sinabi kamakailan.
Kaya hindi pupwedeng tatawid o magpatuloy ang nasimulang impeachment sa nakaraang Kongreso sa bagong Kongreso.

PATAY LAHAT NG USAPIN

Paliwanag naman ni Sotto, may dalawang patakaran o rules sa Senado: Senate rules at Impeachment rules.

Sa Senate rules, magtatapos lahat sa Hunyo 13, 2025 bilang petsa ng pagtatapos ng ika-19 Kongreso.

Lahat ng business o usapan bago nito at saklaw ng ika-19 Kongreso, maituturing na tigil o patay na sa Hunyo 13.

Kaya saklaw ng pagtigil ng mga pag-uusap sa Senado ang lahat, maging ang mga panukalang batas at ulat ng mga komite.

Kailangan na muling ihain ang mga ito ngunit sa panahong saklaw na ng ika-20 Kongreso.

Naaayon lahat ito sa Konstitusyon, aniya.

PAGKAKLARO NG SUPREME COURT

Makaraang sabihin nitong isa siya sa mga nagbuo ng mga Impeachment rules, sinabi nitong kailangan ang pagkaklaro ng Supreme Court.

Ang malinaw lang umano, kapag nasimulan na ang paglilitis, kailangang tuloy-tuloy na gawin ito hanggang magkaroon ng judgment o hatol.

Ngunit posible umanong may tututol dito dahil kailangang hihinto lahat ng ginagawa ng Impeachment Court sa Hunyo 13 na sine die o pagtatapos lahat ng gawain ng Senado, kasama ang Kamara.

Kaya, kailangan ang pagkaklaro ng Supreme Court dito dahil usaping ligal ito.

LABAG SA KONSTITUSYON

Paliwanag pa ni Sotto, kung muling ihahain naman ang Impeachment Complaint, maaaring malabag din ang pagbabawal sa loob ng isang taon sa paghahain nito.

Matatandaang inihain ang Impeachment Complaint noong Pebrero 6, 2025 ngunit hindi inaksyunan ng Senado dahil hindi nakaabot sa oras ng sesyon na oras din ng adjournment sine die.

Kaya, maaaring sa Pebrero 6, 2026 muling may maihain na Impeachment Complaint.

Sa Hunyo 2, muling magbubukas ang sesyon ng Kongreso at tatanggapin ng Senado ang prosecution panel ng Kamara at kinabukasan, Hunyo 3, mabubuo ang senator-judges para sa Impeachment Court na tatanggap ng Articles of Impeachment.

Pagdating ng Hulyo 29, manunumpa naman ang mga bagong senador bilang senator-judges at aalis ang 11 sa mga luma at natalo sa halalang 2025 at kinabukasan, Hulyo 30, ang simula ng paglilitis.

Ang problema, paano kung may kokontra sa paglilitis at magsasampa ng kaso sa Supreme Court at isangkalan ang pagtatapos ng ika-19 Kongreso sa Hunyo 13, 2025?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here