Home NATIONWIDE Mabilis na hiring ng 16K bagong guro para sa pagbubukas ng SY...

Mabilis na hiring ng 16K bagong guro para sa pagbubukas ng SY 2025-2026 ipinag-utos ni Angara

201
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Education (DepEd) na kagyat na ipinag-utos ni Secretary Sonny Angara sa lahat ng regional at division offices na mag-recruit na ng 16,000 na mga bagong guro.

Paghahanda ito ayon sa departamento para sa pagbubukas ng School Year 2025-2026.

Sinabi ng DepEd, ang inisyal na 16,000 teaching positions ay nilikha matapos aprubahan at sang-ayunan ng Department of Budget and Management (DBM) na makatutulong ito na mapaluwag ang ‘overcrowded’ na silid-aralan at pagaanin ang workload o trabaho ng public school teachers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Matutugunan din nito ang pangangailangan ng mga mga tagapagturo na may naaangkop na mga espesyalisasyon, partikular na sa kindergarten, elementary, at subject-specific areas sa junior at senior high school.

Sinabi pa ni Angara na ang napapanahong deployment ng mga bagong guro “is crucial to ensuring a smooth and effective school opening.”

Ang School Year 2025-2026 ay nakatakdang magbukas sa June 16, 2025 at matatapos sa March 31, 2026.

Sinabi ng DBM na may 16,000 bagong items sa first tranche ng 20,000 positions na target likhain ngayong taon.

Dahil dito, sinabi ng DepEd na ipinag-utos na sa schools division offices nito na agad simulan ang publikasyon, hiring, at appointment process sa oras na matanggap na ang Notices of Organization, Staffing and Compensation Action (NOSCA) mula sa DBM regional offices upang matiyak na ang lahat ng bagong posisyon ay mapupunan sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

Tinuran pa ng ahensya na nagsimula na ang DBM ng pagpapalabas ng NOSCAs para sa 10,000 administrative officer II (AOII) items.

“Recruitment and assessment of applicants in the SDOs have been ongoing since January this year, and divisions with large applicant pools were even authorized to begin calls as early as October 2024,” ang sinabi ng DepEd.

Samantala, sinabi pa ng ahensya na ipagpapatuloy nito ang pagsubaybay sa pagsunod at bilis ng pag-hire o pagkuha sa iba’t ibang rehiyon upang masiguro na hindi maaantala ang appointments.

Pinayuhan naman ng DepEd ang teacher-applicants para sa School Year 2025-2026 na direktang makipag-ugnayan sa kanilang local schools division offices para sa mga alituntunin at updates sa pagpunan ng posisyon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here