Home METRO Mag-asawa natagpuang patay sa Tanay

Mag-asawa natagpuang patay sa Tanay

104
0

RIZAL, Philippines – Natagpuang patay ang isang mag-asawa sa kanilang bahay sa Barangay Wawa, Tanay, Rizal noong Linggo ng umaga matapos madiskubre ng ina ng lalaki ang insidente.

Ayon sa Tanay Municipal Police Station, bumisita ang ina ng lalaki bandang 9 a.m. ngunit walang sumasagot sa loob ng bahay kaya’t pumasok siya.

Pagbukas ng silid, nakita niya ang kanyang manugang na babae na nakahandusay sa kama at may dugo, habang ang kanyang anak ay nakitang nakabitin sa kisame gamit ang itim na nylon rope.

Agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nag-ulat ng insidente sa mga awtoridad.

Sa paunang imbestigasyon, tinutukoy ng pulisya ang posibleng marital dispute bilang motibo matapos umanong marinig ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa noong Abril 25.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkamatay ng babae at kung may ginamit na armas sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here