Home METRO Consultant utas sa ambush sa LagunaMETROTOP STORIES Consultant utas sa ambush sa LagunaApril 27, 2026 11:451040 FacebookTwitterPinterestWhatsApp LAGUNA, Philippines – Isang 53-anyos na company consultant ang nasawi matapos tambangan sa Barangay Barandal noong Huwebes, ayon sa pulisya.Kinilala ang biktima na si Jerwin, mula Las Piñas City.Batay sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan nang tabihan at pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan din ng isang sasakyan.Dahil sa pag-atake, nakatakbo pa ang sasakyan ng biktima hanggang sa Barangay Batino sa Calamba, Laguna.Nagtamo si Jerwin ng maraming tama ng bala at idineklarang dead on arrival sa ospital.Patuloy ang isinasagawang manhunt operation laban sa mga suspek at nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng mga awtoridad. RNT/MND