Home NATIONWIDE Mag-asawa patay sa nasunog na bahay

Mag-asawa patay sa nasunog na bahay

BACOLOD CITY -PATAY ang mag-asawang senior citizen matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay, nitong Lunes ng madaling araw, Hunyo 30 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga biktima na sina Edison Lopez Hibionada, 80, at Emelyn Genosa Hibionada, 81 kapwa residente ng Turquoise Street, City Heights, Barangay Taculing, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection Bacolod City, bandang 4:18 ng umaga naganap nagsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawang Hibionada.

Sa pahayag ng anak nilang si Enger Planas, natagpuan ang sunog na katawan ni Edison sa ibabaw ng kanyang hospital bed sa sala habang si Emelyn ay natagpuan na nakadapa sa sahig ng dining area.

Nakuhanan ng CCTV footage na sinubukang lumabas ni Emelyn ngunit bumalik ito sa loob na pinaniniwalaang sinubukang sagipin ang kanyang asawa.

Ayon pa sa kapitbahay ng mga biktima narinig nila ang sigaw ni Emelyn: “Daddy, Daddy, what should we do? God, God help us.”

Wala umano silang kasama sa bahay nang mangyari ang insidente.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng pamatay-sunog para alamin ang pinagmulan ng sunog at tinatayang aabot sa halagang P3 milyon ang tinupok na mga ari-arian. Mary Anne Sapico