Home METRO Mag-asawa tigok sa bumulusok na van sa bangin

Mag-asawa tigok sa bumulusok na van sa bangin

208
0

ITOGON, Benguet — Imbes na kasiyahan sana ang dadaluhan na kasal, sila na ang pinaglalamayan ngayon ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang mag-asawa matapos ang malagim na tragedya na mahulog ang kanilang sinasakyang van sa bangin sa Ampucao, Itogon, Benguet.

Ayon sa Itogon Municipal Police Station, susunduin sana ng mag-asawang biktima na hindi na pinangalanan ang kanilang mga kaibigan sa Sitio Dacap upang sabay-sabay na dumalo sa kasal na gaganapin sa Green Valley, Baguio City nang mangyari ang trahedya.

Nagtulungan naman ang mga residente sa lugar upang maiahon ang mga biktima habang naghihintay ng rescue.

Isinugod pa sa ospital ang mga biktima, ngunit idineklarang dead on arrival. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here