Home HOME BANNER STORY Negosyante kinidnap; AWOL na parak na pinsan ng biktima nasakote wala pang...

Negosyante kinidnap; AWOL na parak na pinsan ng biktima nasakote wala pang 10 oras

620
0

CAMP OLIVAS, Pampanga — Matagumpay na nailigtas ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang isang 59-anyos na negosyante na kinidnap sa Cabanatuan City at naaresto ang tatlong suspek sa loob ng wala pang 10 oras mula nang mangyari ang insidente noong Enero 26, 2026.

Ayon sa pulisya, nasagip ang biktima ng mga suspek na armado bandang 7:52 ng umaga nang dumating ito sa kanyang bodega sa Barangay Kapitan Pepe.

Sapul sa CCTV ang pagdating at pagparada ng isang kulay pulang pick-up. Bumaba ang isang matandang lalaki na nakasuot lamang ng kulay puting sando, lumakad papalapit sa pintuan para buksan ang lock sa pinto pero mabilis na nilapitan ng dalawang lalaki.

Makikitang nagpupumiglas ang matanda habang pilit na pinupuwersa ng dalawang lalaki pabalik sa kanyang sasakyan, tutok ang isang baril.

Nang mailapit ang biktima sa kanyang sasakyan at binuksan ng mga suspek ang pintuan, tila may mga hinahap ang mga ito sa loob ng sasakyan.

ilang saglit pa, sumakay ang dalawang lalaki, kasunod ang tatlong pang suspek at pilit isinakay ang biktima saka mabilis na umalis.

Sinabi ni PCol. Heryl “Daguit” Bruno, director ng Nueva Ecija Provincial Police Office, mabilis na nagsagawa ng hot putsuit operation at back tracking sa mga CCTV camera sa lugar ang mga awtoridad.

Nabatid na sa pagmamadali sa pagtakas, nakaaksidente ang mga suspek ng dalawang sibilyan na nagtamo ng mga sugat at isinugod sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City.

Sa tuloy-tuloy na pagtugis ng PNP sa mga suspek ay nailigtas ng mga awtoridad ang duguang biktima sa Barangay Bakod Bayan, Cabanatuan. Narekober din ang sasakyan ng biktima na inabandona rin ng mga suspek. Dinala ang biktima sa ospital na ngayon ay ligtas na.

Nabawi rin sa mga suspek ang pulang pick-up truck. Napag-alamaman ding nag-demand ng ₱5-milyong ransom ang mga suspek para sa pagpapalaya sa biktima.

Kasunod nito, ang mga kidnaper ay sunod-sunod na nadakip ng mga awtoridad sa hot pursuit operations sa Nueva Ecija at San Miguel, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na pinsan ng biktima na dating pulis na siyang utak ng pagdukot sa negosyante. Kasabwat niya ang isang 34-anyos na residente ng Cabanatuan City at 27-anyos na residente naman ng Palayan City.

Ayon kay Col. Bruno, ang pinsan ay may matinding galit sa biktima. Aminado ang mga suspek sa ginawang krimen. (Marina Bernardina-Sy)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here