Home METRO Mag-asawang guro, anak patay sa sunog

Mag-asawang guro, anak patay sa sunog

ILOILO CITY- Patay ang mag-asawang guro at kanilang anak matapos sumiklab ang sunog sa kanilang tahanan kahapon ng madaling araw sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Julius Reyes, 48, misis na si Louelyn Reyes, 48, kapwa guro sa Iloilo City National High School, kanilang anak na si Amber Marie Reyes, 7, at lahat ay residente ng Zone 6, Brgy. Infante, Molo, Iloilo City.

Sa paunang imbestigasyon ng Iloilo City Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng pamilya Reyes nitong madaling araw ng Sabado, Marso 8, 2025.

Ayon kay Fire Inspector Virgilio Mercado, Deputy City Fire Marshal, natagpuan nila ang bangkay ng mag-asawa at kanilang anak sa loob ng kanilang kwarto habang nakadapa si Louelyn na kanilang anak, ganoon din si Julius.

Dahil gawa lamang sa light materials ang kabahayan kaya mabilis na kumalat ang apoy na tuluyang tinupok ang buong bahay.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga ari-arian natupok. Mary Anne Sapico