Home OPINION MAG-RESIGN SA COCAINE, MARIJUANA

MAG-RESIGN SA COCAINE, MARIJUANA

231
0

KUNG totoo na umamin si Deputy Social Secretary Dina Arroyo-Tantoco na gumamit sila ng kanyang asawa na si Paolo Tantoco ng cocaine at marijuana, bago namatay ang huli, dapat na mag-resign agad ito sa kanyang tungkulin.

Ayon sa Bilyonaryo News Channel report nitong Hulyo 22, 2025, hawak nila ang buong ulat ng “Department of Medical Examiner of Los Angeles, California” sa United States na nagdedetalye kung paano namatay si Tantoco at ginawa nila ni Dina na paggamit ng cocaine, marijuana at alak sa kanilang kwarto sa Beverly Hills Hotel, California noong Marso 8.

May natagpuan pa si Medical Examiner investigator Laura Araujo na “white powder in (Tantoco’s) nightstand drawer…small round canister with half (of) an unknown blue pill, two halves of unknown white pills, and a red gummy substance (were) discovered on top of the nightstand” ngunit walang klarong pahayag kung droga o hindi ang mga ito.

Sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165 na naging epektibo noong Hunyo 22, 2002, bawal na gamot ang cocaine at marijuana sa ilalim ng Article ll (4), (6) at (7) at bawal din ang pagkakaroon at paggamit ng mga ito sa ilalim ng Section 15.

Ipagpalagay na lang natin na hindi sakop ng Pilipinas ang paggamit at possession ng cocaine at marijuana (ligal sa US) batay sa pag-amin ni Dina sa US, Filipino pa rin ito at saklaw ng batas sa droga ng Pilipinas kahit nasa labas siya ng Pilipinas.

Isa pa, presidential appointee si Dina at dahil sa kanyang pag-amin, kung totoo, obligasyong moral sa parte niya ang pagbibitiw sa tungkulin upang hindi madungisan ang dangal ng Palasyo na roon siya nag-oopisina at hindi mawalan ng kredibilidad ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas laban sa droga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here