Home METRO Mag-tiyuhing tulak huli sa buybust sa Bataan

Mag-tiyuhing tulak huli sa buybust sa Bataan

1
0

BATAAN- Hindi alintana ang masamang panahon sa iligal na gawain kaya natimbog ng mga awtoridad ang tandem na magtiyuhing drug suspek matapos maaktuhang magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa undercover police sa ikinasang buybust operation ng pulisya nsa Barangay Happy Valley, Dinalupihan.

Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col. Bjorn John Labos Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina alyas “Eloy”, 43 anyos at pamangkin nitong si alyas “Je-Ar Buraot”, 23 anyos pawang residente ng Barangay Naparing, Dinalupihan, Bataan.

Kahit sa kasagsagan ng masamang panahon at malakas na pagbuhos ng ulan, hindi alintana ng magtiyuhing suspek na sakay ng motorsiklo ay makipagtagpo ito para sa bentahan ng shabu sa inaakalang parukyano na isa palang undercover police, kaya nakorner ang mga ito.

Narekober sa mga suspek ang nasa higit 3 gramo ng suspected shabu, marked money ginamit sa buybust, cellphone na gamit sa transaksiyon at ang motorsiklong ginamit ng mga suspek.

Balik kulungan ang suspek na si alyas “Buraot” na dati nang nasangkot sa parehong kaso ng iligal na droga.

Habang ang tiyuhin na suspek (Alyas “Eloy”) ay makakasama na ang asawang nauna uamanong nakulong sa pareho din kaso ng iligal na droga.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here