DAVAO CITY- SHOOT sa kulungan ang magdyowa na tomboy matapos hindi umubra sa pulisya ang kanilang akting na “snatch me” scheme, noong Lunes sa bayan ng Talomo.
Nakakulong ngayon sa Talomo Police Station, ang mga suspek na sina alyas Tin, 35, kawani ng finance-in-charge ng isang local courier service provider at kinakasama nitong tomboy na si Alyas Ton, nasa hustong gulang.
Sa report ng Talomo Police station, bandang 7:05 PM noong Nobyembre 10, 2024, nagtungo sa kanilang tanggapan ang suspek na si Tin, para ireklamo na nahablutan ito ng bag na may laman P515,379.86.sa labas ng pawnshop sa Matina Aplaya branch, Barangay Matina Aplaya, Davao City.
Agad na nagsagawa na follow-up investigation ang mga awtoridad at nakita sa CCTV na may nakamotorsiklong kumuha ni Mariel.
Subalit, habang sumasailalim sa imbestigasyon si Mariel hindi tumutugma ang kanyang mga pahayag dahilan para magduda ang pulisya na nagresulta sa pagkakadakip kay Ton na kasabwat nito habang nakatakas ang isa pa nilang kasabwat na si alyas Rocky.
Naibalik naman ang pera subalit P445,928 na lamang ang natira at kulang na ito ng P69,000.00.
Inamin naman ni Tin ang ginawa nilang sabwatan at sinabing ang gagamitin sana nila ang pera papuntang Maynila para pumasok sa Philippine Military Academy (PMA).
Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft sa Davao City Provincial Prosecutor’s Office ang mga suspek./Mary Anne Sapico