Home NATIONWIDE ‘Magic 7’ sinisilip umanib sa Senate minority – JV Ejercito

‘Magic 7’ sinisilip umanib sa Senate minority – JV Ejercito

MANILA, Philippines- Sinisilip ng mga senador na kaalyado ni Sen. Juan Miguel Zubiri —na pinalitan ni Sen. Francis Escudero bilang pinuno ng Senado — na lumahok sa minority group ng Kapulungan, ayon kay Sen. JV Ejercito nitong Huwebes.

Sa isang panayam, inihayag ni Ejercito — miyembro ng grupong tinatawag ding “Magic 7” — bagama’t nakapagdesisyon silang maging independent “while emotions are high” matapos ang pagbabago ng liderato sa Senado, opsyon din umano ang pag-anib sa Senate minority bloc.

“That’s one of the considerations because we are not part of the majority anyway,” wika ng senador.

Binubuo ang “Magic 7” nina Senators Zubiri, Ejercito, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, Joel Villanueva, at Loren Legarda.

Kinabibilangan naman ang Senate minority bloc nina Senators Risa Hontiveros at Koko Pimentel.

Sinabi ni Ejercito na ipinalitaw nila nina Binay, at Villanueva ang ideya ng pagsali sa minority group, at sinabing nakikipag-usap din umano sa kanila si Pimentel hinggil dito.

“We are used to be in the minority from, I think, majority of my life as a senator… we were in the minority with Sen. Nancy Binay,” ani Ejercito.

Nang tanungin kung nangangahulugan ang paglahok sa minority bloc sa pagsalungat sa administrasyon, sinabi ni Ejercito, “Being in the minority does not mean you are against the administration. But we are just on the other side in the Senate leadership.” RNT/SA