Home METRO Magkaangkas utas sa aksidente sa Cavite

Magkaangkas utas sa aksidente sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 49-anyos na babaeng safety officer at ang angkas nitong 42-anyos na lalaki matapos maaksidente sa Daang Hari Road, Barangay Molino 4.

Kinilala ang mga biktima sa alyas na Myra at Paul. Isinugod sila sa South City Medical Center ngunit kapwa namatay habang ginagamot dahil sa mga tinamong pinsala.

Ayon sa pulisya, bandang alas-1 ng madaling araw nang maganap ang aksidente habang binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Myra ang Daang Hari Road patungong Evia Road.

Pagdating sa lugar, nag-overshoot umano ang motorsiklo at rumampa sa center island dahilan upang tumawid ito sa kabilang lane.

Dito sila sinalpok ng Mitsubishi Xpander na minamaneho ni alyas KC Lyn, 30, isang engineer mula Dasmariñas City. Tinangka umano nitong umiwas ngunit bumangga ang mga biktima sa isa pang Yamaha Mio.

Ang Yamaha Mio ay minamaneho ni alyas Simon, 25, kasama ang angkas nitong si alyas Laine, 22. Pareho silang nasugatan at patuloy na inoobserbahan sa ospital. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here